Kung kailan handa na akong magtiis kahit ganito tayo,
Ikaw naman ang bumitaw.
Hindi kita masisisi,
Dahil alam ko na ako ang una na nang iwan.
Patawad dahil binitawan kita.
Natakot lang kasi ako,
na mahulog sayo ng tuluyan at
hindi na makabangon pa.
Patawad talaga.
Sana ay may kakayanan akong makabalik sa nakaraan.
pero siguro hindi ko na rin babaguhin yun,
Dahil alam kong dun ka lumigaya,
nung makilala mo siya.
Masaya na rin ako na masaya ka sa iba,
kaysa malungkot na kasama kita.
No comments:
Post a Comment