Welcome, Earthlings!

Friday, November 11, 2011

Ikaw ba o ako na talaga?


Love mo siya, sigurado ka ba?
Kahit tumutulo na uhog niya?
Kahit lumalabas luga niya?
Okay parin ba?
Kilala mo ba talaga siya?
Kung sasabihin kong aswang siya?
O bampirang binungal na?
Okay paren ba?
Paano mo nasabing siya na nga?
Kung hindi siya matanggap tanggap pa?
Lahat ng mga mali niya?
Siya na nga ba talaga?
Kung baliktarin kaya?
Ikaw na nga ba?
Ang tatanggap sa mali niya?
Ikaw ba?
Ang pag ibig ba’y parang laruan?
Kung ayaw mo na’y iiwan na lang?
Nung makita ang pangit sa kanya?
Aayaw na bigla.
Bata ka pa nga talaga!
Di makuntento sa isa.
Ika’y na lovestruck lang pala.
Hay nako, ang sarap tumawa.
Wag mo muna isip isipin yan.
Pag-aaral ay atupagin na lang.
Kapag panahon ang dumating na,
At alam na handang handa ka na.
Ibibigay ng Diyos ang tama.
Date: November 08.2011
“My knowledge came from the book Lovestruck
with the help of God.”

No comments:

Post a Comment