Welcome, Earthlings!

Sunday, March 11, 2012

Ako na lang ulit


Mahirap man aminin,
Ako ay nag-kamali.
Ang hirap man isipin,
Ika’y ginawang sawi,

Ako ay naging mapalad,
Dahil sa ‘yong pagmamahal.
Ngunit ngayo’y ilalahad,
Na ako ay isang hangal.

Ngayon ay nalulumbay,
Sa mga maling nagawa.
Hindi na ko nasanay,
Walang ginawang tama.

Kung maibabalik ko lang,
Di ko na ipagpapalit.
Panahon na ikaw lamang,
Ang kasama’t lumalapit.

Sana ay patawarin,
Sa ‘king Pagkakamali.
Kahit ano ang gawin,
Di ko na mababawi.

Sana iyong alamin,
Hayaan na ako’y lumapit.
Kung pwede ko man sabihin,
Sana ako na lang ulit.

Date: March 05 2012 

1 comment: